Life is what you make of it. Always has been, always will be.


I love LIFE.
I love to LAUGH.
I love LOVE.

Friday, 19 September 2008

Ang Pagbabalik

Biyernes ngayon.
Ang araw ko.
Umabsent ako sa trabaho, dahil may kailangan ako balikan... at iyon ay..
Ang aking sintang paaralan.

Teka, share ko lang.. Nag-ferry ako papuntang school.
hahaha... First time ko yon. Infairness, malinis at maganda.
At take note... may flat screen TV. Shala-shala.
Para nga akong turista, kasi maya't maya ako nagpi-picture.
Xempre, para may souveneir..

Anyways.. Pagdating sa school...

Grabe iba na talaga ang hitsura ng school ko nung college.
Ang dami na talagang nabago. Yung school kong parang junk shop dati, e
para na ngayong private school.
Ay naku talaga. Napahanga ako..

Pero xempre ang hindi magbabago s school ko e yung, kalayaan nung mga naging kapwa estudyante ko.
Bumungad sa akin yung programa nila..
Syempre. As usual. Maingay. Nakakaistorbo sa mga nagkaklase.
Pero ayos lang un, kasi dun naman talaga nakilala yung school ko.
Ang ipahayag ang kanilang sarili at damdamin.

And in fairness, na-miss ko yon. *_^

Nalibot ko ulit yung school ko, at kitang-kita na asensado na.
Gumiginhawa na rin kahit papaano ung mga schoolmates ko.. hehehe.

Nagawa ko nman yun dapat kong gawin sa school ko.
Napasa ko na yung kailangan para makuha yung diploma ko.
Kaya lang...

After 32 years ko pa makukuha..

And in-fairness, na miss ko din yon.
(jan din nakikila yung school ko, mabagal na proseso.)

Hehehehehe...
Joke lang..

Haay... Ka-miss talaga ang PeYups...

Sa mga school mate ko, mag-aral kayong mabuti at mag-ipon ng mga magagandang memories
sa school .
Para masarap may balik-balikang alaala kapag nadalaw ka ulit sa iyong sintang paaralan.


Ang pagbabalik. Bow.


Thursday, 18 September 2008

Flickr

This is a test post from flickr, a fancy photo sharing thing.

Wednesday, 17 September 2008

Reconciliation

rec·on·cil·i·a·tion
/ˌrɛkənˌsɪliˈeɪʃən/ Pronunciation Key - Show Spelled Pronunciation[rek-uhn-sil-ee-ey-shuhn]
–noun
1.
an act of reconciling or the state of being reconciled.
2.
the process of making consistent or compatible

pakikipagbati sa tagalog.


Masarap pala ang feeling kapag nakikipagayos ka sa mga nakasamaan mo ng loob. Lalo na kung kaibigan mo ang ang involve.
Si amabel, ang aming ina sa pamilya WU.
Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan, kaya naging magkaaway kami ng mag almost a month din.. ( I think..)
Kami nila Ilou, kat and ako laban kay Amabel.
Uhmm... mayron lang kasing hindi pagkakaunawaan sa mga bagay-bagay.
Maraming na involve...
lalaki, babae, trabaho, hayup, demonyo, maximus, etc... etc...
humantong talaga sa iyakan ang nangyari.. basta nakakalungkot pag inalala ko pa.
Akala ko mabubuwag na ang pamilya WU.
Pag nangyari un.. paano na lang ang mga pinagsamahan.
Masasayang ng bonggang-bongga.
Haay.. tsk..tsk..
pero buti na lang nadaan sa mabuting usapan.
Nisalba ang WU sa matinding dagok ng buhay.

Salamat sa Diyos.


RECONCILITION.. bow.